You are viewing [info]janina0610's journal

pathological flirt :)


Luis: etong untold story na to, this is very ground breaking, an untold story that i/we are very very very happy for you toni dahil pinapalabas sa cinemaone ang pakners. Ang pakners po, gusto ko lang linawin ay hindi movie, it is a film (MA: nagtext brigade si luis tungkol dito), it is a quality film para sa lahat and we are very very proud of you sa pakners, Toni Gonzaga everyone, Toni Gonzaga.

Toni: ang sama ng ugali mo
Luis: pinupuri nga kita, nag stay ako sa bahay para lang panoorin
Bianca: nagstay sya at nagtetextan kami
Ma: at super text talaga sya sa lahat
Toni: stepping stone ko yun kaya ako napansin ng star cinema
Luis: kaya nga we are very very proud of you
Toni: sama ng ugali
Bianca: Blow by blow acocount ang text ni luis, eto na yung eksena, eto na yung music video
Toni: ay may ganon ka, may ganon ka?!
Luis: and for the record kinilig ako sa inyo ni Oyo Boy...
Toni: may untold story ka? o, pakingan mo tong untold story ko...
Luis: OK na! hindi, ituloy na natin
Toni: Lumapit ka dito
Luis: Ituloy na natin
Toni: halika dito, gusto mo ng matinding pag amin?
Luis: wag kang maingay!

Do not cry for them, he said.
But how could I not, I replied.
I am grief-stricken.
He said we have not experienced what it is like to want the way his children used to. This, he said, is nothing. And yet, it is something. This will speak to us. He will speak to us.
It is this message that sends me grief. I already know what the message is. My fear lies in being told.
A pseudo-intellectual beside me speaks of geographical locations and trajectories and physics. He moves on to politics and sociology. I wonder if he is trying to soothe the tense air.
I let out an audible sigh, closed my eyes, and sent for patience.
This is quintessential foolishness-- presuming to know, attempting to explain, trusting that science has exacted an explanation for what scares you. And the pinnacle of stupidity is to believe that the owner does not exercise authority over his dominion.
This intellectual's blatant foolishness and stupidity, clad in sparkling robes of credentials and published facts, added to my misery.
While my friend, my friend, my friend, admits her fear and attempts to cram an apology. In my head, I doubt she has big things to apologize for. Her admission, nevertheless, lends my scared heart company.
In my room I curl into a ball and silently take it all in.
He looks at me.
In my room he walks up to me again to say that I have nothing to worry about.
He was surprisingly upbeat, trying to comfort me and cheer me up.
He kept repeating I have nothing to worry about.
He stroked my hair.
Even if everything else falls apart he said, I have nothing to worry about.
For reasons I have no words for anymore, I still wanted to cry.

But I believe him.
I do.

In My Life


I promise not to mince my words just because I love Luis Manzano.
I was never ashamed to say that there was much left to be desired with Crazy For You and that I enjoyed it mostly as fan (except the final Barcelona episodes which, for me, was at par with drama seen in shows like Six Feet Under, go figure). So if I really did not like this one, nothing will stop me from saying so. But, I digress. Let me just say that: I mean it when I say that it was like watching cirque du soleil of acting.

It was about imperfect characters. A mother whose perfect love is to blame for an imperfect family. A mother who was too proud, bragging about the things her children do not know about the sacrifices of motherhood, and kneeling for forgiveness at the end of the road as she keels over in humility.

It was about a son’s continuous struggle to please the person who loves him the most and incessantly feeling short of it. A son who thinks both the things within his control and those beyond it, cannot help but disappoint.

It’s about the flawless kindness of a stranger, a lover, a person. The flawless kindness itself being this person’s very weakness. He’s weak because he is kind, and yet he is strong because of it.

Life brings them all together to love each other, to hate each other, to ruin each other beyond repair, and then to fix each other nevertheless. They were brought together to change each other in ways no person can ever plan.

In My Life does not tell you what to think or what to feel. It does not tell you who is right. In the first place, In My Life does not give pretenses that anyone is in a higher moral ground. Even the perfect mother that is Shirley gives a very hurtful tirade about Noel, likening him to a dog on a leash. You almost hate her for hurting a person so kind. The next thing you know, this very kind dog cries by the side of a pool he cleans for his uncle, as he realizes, he, indeed, is on a leash.

In My Life unfolded its mysteries gracefully. Noel loved Mark in such an affectionate way. The way Noel stroke Mark’s hair, hugged him from behind, kissed him, his love for Mark is almost palpable. But you see Noel’s love more in the things he does for Mark—the cheesy “I love you because…” surprises, taking care of Shirley for him, and when he cried by that bridge, just because he loved Mark and that love moved him to tears.

Vilma Santos is still as grand as ever and time has only worked in her favor. She is every bit the star she has always been praised to be. When she acts, it is almost transcendental. She really does become a different person. Luis Manzano was able to deliver everything his role needed for it to work. It is amazing to see him be able to portray for us a person you cannot not like. He was very vocal that he dis not want his mother there and managed not to be rude about it. He just about left his lover all on his own, treating Noel like his mother’s caregiver, and you’d still love him despite of it, because you just know he was not trying to be cruel. John Lloyd, I must say however, was the most among the three. He drew the most sympathy. He perfectly caught everything that was thrown his way, being the tie that bound the three lead actors together in terms of acting. John Lloyd’s tears were unspoken words dripping from his eyes. I do not have enough words to describe how great he was in this film.

In My Life is also not without flaws. Scenes were cut seconds too early, not giving the audience enough time to sift through the emotions of previous scenes before devouring the next. But this is too small to nitpick compared to the grand testament to talent this movie turned out to be.

A movie is measured by how much it stays with you after everything has been said and done. This one, I’m happy to say, that at the end of many days, you would remember it with fondness, a broken heart, with a different sense of love. Love that would lead you to say that you could have love like that in your own life; a love that respects no definition, a love that would both damn and save you, a love that pains you but you would not ever want to live without… in your life.

Sep. 3rd, 2009


Dear God,

Please, give me something to make me stay where I think You have tasked me to stay.
Something, God, please, to let me know I am not fighting a losing battle.
I know You do not owe anyone anything, hence, this plea, God.
Please.
Something.

Love,
Janina

Have you ever read a beutiful decision?


Thank you Justice Gancayco.
We will miss you always.

~~~

FIRST DIVISION
[G.R. No. 58847. August 31, 1989.]
PEOPLE OF THE PHILIPPINES, plaintiff-appellee, vs. BARTOLOME BARRANCO, accused-appellant.

SYLLABUS

1. REMEDIAL LAW; EVIDENCE; CREDIBILITY; NOT AFFECTED BY MINOR INCONSISTENCIES. — Kung mayroon mang hindi pagkakatugma ang pahayag ng naghahabla, ito ay sa mga maliliit na bahagi lamang at ito ay hindi sapat na dahilan upang hindi paniwalaan ng hukuman ang kabuuan ng kanyang ipinahayag. Ang totoo nito, dahil sa napakasaklap na naranasan ng nagsasakdal hindi maaasahan na matatandaan pa niya ang pinakamaliliit na bahagi ng pangyayari. Ang isang saksi na ang pahayag ay mayroong kaunting pagkakamali ang karaniwang nagsasabi ng katotohanan.

2. ID.; ID.; ID.; MOTIVE OF COMPLAINANT IN FILING RAPE CASE. — Ipinagdidiinan ng nasasakdal na ang sumbong laban sa kanya ay pagbabangong-puri lamang ng nagsasakdal sa dahilang ito ay nagdadalang-tao. Bakit kinakailangan pang ipaghayagan ang kapalaran ng nagsasakdal sa hukuman kung hindi ito ang katotohanan? Kung sila man ay nagkaroon ng pinagdaanan hindi kaya higit na mamarapatin pa ng nagsasakdal ang tiisin na lamang ang kanyang sinapit na kalagayan sa halip na magdala ng malaking kahihiyan sa kanyang angkan? Ang nakikitang dahilan ng Hukuman ay sapagkat nais ng nagsasakdal na maibangon ang kanyang nilugsong puri at maipataw ang kaukulang parusa sa nasasakdal.

3. ID.; ID.; ID.; FAILURE TO MAKE AN OUTCRY WHEN SUFFICIENTLY EXPLAINED AND ABSENCE OF INJURIES DO NOT ADVERSELY AFFECT CREDIBILITY. — Malaki ang naging takot ng naghahabla. Tiniis niya ang mapait na karanasan at ito ang dahilan kaya hindi siya agad nagsumbong sa kaniyang mga magulang, hindi siya kaagad nagpunta sa manggagamot, at hindi siya nakasigaw ng saklolo. Dahil sa kanyang takot, nahubaran siya ng malaya at napagsamantalahan ng nasasakdal. Kaya wala siyang gasgas sa katawan. Wala siyang napunit na damit o panti. Subalit matapos ang higit sa isang buwang pagtitiis, at dahil sa muling pagtatangka sa kanyang puri, nagputok na ang kalooban ng nagsasakdal. Labis na ito. Sobra na. Dapat ng kalusin. Dinampot niya ang isang putol ng kahoy at ipinukpok sa ulo ang nasasakdal. At nang tangkaing ituloy ang masamang hangarin, sinabi ng nagsasakdal na lalabas siya at hihiyaw ng saklolo. Ang kanyang matinding galit ay nangibabaw sa kanyang takot. Saka lamang natigil ang maitim na hangarin ng nasasakdal.

4. CRIMINAL LAW; RAPE; PENALTY. — Ang salang ginawa ng nahahabla ay malinaw. Hinalay niya ang karangalan ng isang dalaga na naiwang nag-iisa sa kanilang bahay. Naturingan pa namang kamag-anak ang nahahabla ng nag-uusig at pinakamalapit na kapitbahay na dapat asahan na magmamalasakit ngunit siya pa ang nagsamantala dito. Dapat siyang managot sa kanyang nakaririmarim na ginawa. Ang puri ng isang dilag ay kanyang buhay. Wasto ang parusa na mabilanggo ng panghabang-buhay ang nasasakdal.

5. CIVIL LAW; PERSONS AND FAMILY RELATIONS; PATERNITY AND FILIATION; RECOGNITION OF NATURAL CHILDREN; A FATHER IS OBLIGED TO RECOGNIZE THE CHILD CONCEIVED OUT OF RAPE EXCEPT WHEN THE ACCUSED IS A MARRIED MAN; CASE AT BAR. — Subalit mayroong pagkakamali ang mababang hukuman ng ipag-utos nito na kilalanin ng nahahabla bilang anak ang bunga ng kanyang kasalanan. Ang nahahabla ay may-asawa. Hindi maaari na kilalanin ang batang bunga ng kasalanan na anak ng isang may-asawa. Subalit may katungkulan siyang sustentuhan ang bata ayon sa batas. Bukod pa dito dapat pagbayarin ang nahahabla ang malaking pinsala na ginawa niya kay Rosalia Barranco ng halagang P30,000.00.

H A T O L
GANCAYCO, J p:

Ang isang karaniwang kasabihan ay "ang karangalan ng isang tao ay katumbas ng kanyang buhay," lalo na at kung ang pag-uusapan ay ang karangalan, dangal o puri ng isang babae. Kaya nga sa batas, ang pagsira ng puri ng isang babae ay mabigat na kasalanan at kung ito ay ginawa ng sapilitan ang parusang katumbas ay mabilanggo habang buhay. Ano pa at kung ang pag-gahasa ay ginamitan ng sandatang nakamamatay o ginawa ng dalawa o higit pang kalalakihan, o ang pinagsamantalahan ay namatay o nasiraan ng bait, ang pataw na parusa sa batas ay bitay. 1 Ganoon pa man sa ating saligang batas ay ipinagbabawal na ilapat ang parusang ito. 2

Ito ang paksa ng paghahabol na ito.

Si Rosalia Barranco ay isang dalagang labing-siyam na taong gulang lamang. Siya ang panganay sa pitong anak ng magasawang Jaime at Aurora Barranco. Tuwing araw ng Sabado, ang magkakapatid maliban kay Rosalia ay tumutulong sa kanilang mga magulang sa pagsasaka sa kanilang bukid sa Abanay, may layong tatlong kilometro sa kanilang tirahan sa Madong, Janiuay, Iloilo. Naiiwang mag-isa si Rosalia sa bahay upang siya ay tumingin sa alagang baboy at magsilbing bantay ng kanilang tahanan.
Si Bartolome Barranco ay may-asawa at limang anak. Siya ay pinsang makalawa ng ama ni Rosalia at pinakamalapit na kapitbahay ng pamilyang Barranco sa Barangay Madong. Ang pagitan ng dalawang tirahan ay humigit kumulang lamang sa isang daang (100) metro. Si Rosalia ay kumare ng asawa ni Bartolome.

Nang katanghalian ng ika-10 ng Pebrero, 1980, habang si Rosalia ay mag-isang natutulog sa kanilang bahay, bigla na lamang niyang naramdaman na may taong nakadagan sa kanya. Nang imulat ni Rosalia ang kanyang mga mata, nakita niya si Bartolome na hubo't hubad sa kanyang ibabaw. Kung sa papaanong paraan nakapasok sa kanilang bahay ang nasabing tao ay hindi niya mawari. Nang makita niya ang mukha ni Bartolome akala niya na ang mga pangyayari ay isang masamang panaginip lamang subalit siya ay nagitla nang itinutok ni Bartolome ang isang patalim (butcher's knife) sa kanyang leeg. Binalaan siya nito na kung siya ay magtatangkang gumalaw o sumigaw ay papatayin siya nito. Hindi makagalaw sa sindak si Rosalia. Itinaas ni Bartolome ang kanyang palda at biglang binatak ang kanyang panti.

Sapagkat magkadikit ang mga hita ni Rosalia, iniutos ni Bartolome na ibuka niya ang mga ito. Hindi siya sumunod kaya siya ay binantaang muli na papatayin ni Bartolome kapag hindi niya ibinuka ang kanyang mga hita. Lalong nanigas sa takot si Rosalia. Hinawi ni Bartolome ang mga hita ni Rosalia, at tinangka nitong ipasok ang kanyang ari sa ari ng dalaga. Matapos ang dalawang ulit na sapilitang pagtatangka ay nagtagumpay si Bartolome na maipasok ang kanyang ari at tuluyang hinalay si Rosalia. Naramdaman ni Rosalia ang matinding hapdi sa bungad ng kanyang ari. Pagkatapos nito, nagpahinga si Bartolome ng mga limang minuto habang ang kanyang ari ay nakababad sa ari ni Rosalia. Ipinagpatuloy niya ang kanyang makamundong pagnanasa. At habang ginagahasa ni Bartolome si Rosalia hawak niya ang patalim na nakatutok sa leeg ni Rosalia.

Bago tuluyang umalis si Bartolome, binalaan niya ang dalaga na huwag magsusumbong sa kanyang mga magulang kung ayaw niyang mamatay. Sumusulak ang kalooban ni Rosalia sa tindi ng galit bunga ng pagkalugso ng kaniyang puri, subalit hindi siya makakibo dahil sa malaking takot na baka siya ay patayin ni Bartolome oras na isiwalat niya ang nangyari. Kaya't minabuti na lamang niya na itikom ang kanyang bibig at tiisin ang masaklap na kapalaran.

Noon ika-19 ng Marso, 1980, ika-siyam ng umaga noon, habang si Rosalia ay abalang naghahanda ng pagkain ng alagang baboy, bigla na lamang siyang sinakmal ng buhat sa likod ni Bartolome upang pagsamantalahang muli. Ang kanyang ina ay nagkataon na wala sa bahay noon sapagkat dumalo sa pagtatapos ng isa sa kanyang mga kapatid na babae. Sa kanyang pagkabigla, dinampot ni Rosalia ang isang pirasong kahoy at ipinalo niya ito sa ulo ni Bartolome. Binitiwan siya ni Bartolome. Agad siyang lumabas ng bahay at sinabing sisigaw ng saklolo kung hindi titigil si Bartolome. Dahil dito, agad-agad umalis si Bartolome.

Pagdating ng kanyang ina, nuong mga ikalabing-isa ng umaga, nakita nito si Rosalia na umiiyak. Itinanong nito ang dahilan. Hindi na nakatiis si Rosalia at napilitang ipagtapat sa kanyang ina ang naganap noong ika-10 ng Pebrero. Kinabukasan, si Rosalia kasama ang kanyang ina ay nagsumbong sa puno ng pulisya sa Janiuay, Iloilo. Pinayuhan sila na ipasuri muna ang dalaga sa manggagamot ng NBI sa Iloilo City. Sa nasabing tanggapan, sinuri siya ni Dr. Ricardo H. Jaboneta. Tiningnan pa kung siya ay buntis (pregnancy test) at napag-alaman na siya nga ay nagdadalang tao.

Noong ika-16 ng Abril, 1980, nagharap ng habla si Rosalia sa salang panggagahasa laban kay Bartolome sa mababang hukuman (municipal circuit court) ng Janiuay-Badiangan, Iloilo. Matapos madakip si Bartolome at ang paunang pagsisiyasat, ang nauukol na habla ay isinampa ng punong taga-usig ng lalawigan sa hukuman. Nang itanong kay Bartolome kung inaamin niya ang paratang laban sa kaniya sa hukuman, tinanggihan niya ito kayat pinasimulan ang paglilitis hanggang sa ito ay matapos.

Noong ika-3 ng Abril, 1981 naglabas ng hatol ang hukuman. Napatunayan na si Bartolome ay nagkasala ng panggagahasa sa pamamagitan ng sandatang nakamamatay. Ipinataw sa kanya ang parusang pagkabilanggo ng habang-buhay kasama ang iba pang mga parusa ayon sa batas at ipinagbabayad pa siya ng halaga ng usapin. Iniutos din ng hukuman na kilalanin niyang anak ang bunga ng kanyang kasalanan. At sa dahilang siya ay nakapiit mula pa ng ika-3 ng Hulyo, 1980, iniutos din na ang kanyang pansamantalang pagkabilanggo ay bibilangin na kasama sa parusang ipinataw sapagkat siya ay lumagda sa isang kasunduan na tutupad sa lahat ng pinag-uutos sa mga naparusahang nakapiit.

Naghahabol ngayon ang nasasakdal sa Hukumang ito at sinasabing: (1) hindi dapat pinaniwalaan ang pahayag ng nagreklamo sa dahilang walang ibang nagpatotoo dito; (2) na hindi siya dapat parusahan sa salang panggagahasa; at (3) hindi siya dapat utusan na kilalaning anak niya ang naging supling ni Rosalia.

Matapos na suriin ang mga katibayang iniharap, walang makitang sapat na dahilan ang Hukumang ito upang baguhin ang pasiya ng mababang hukuman.

Ang kasalanang panggagahasa ay totoong mahirap patunayan sapagkat ang karaniwang nakakaalam lamang nito ay ang pinagsamantalahan at ang nagsamantala. Samakatuwid, hindi maaasahan na mayroon pang ibang makapagpapahayag ng pangyayari. Hindi pangkaraniwan na ang salang ito ay nagaganap na may saksi. Sa ganitong dahilan ang hukuman ay umaasa sa katapatan ng pahayag ng nagsusumbong at tinitimbang ito laban sa pagtanggi o pagpapasinungaling ng inuusig.

Sinasabi ng nasasakdal na hindi dapat paniwalaan ang mga pahayag ng nagsasakdal dahil sa hindi pagkakatugma nito. Una, di-umano ay nagpahayag ang nagsasakdal na siya ay natakot kaya siya ay sumunod sa utos ng nasasakdal na ibuka ang kanyang mga hita. Subalit nang tanungin siyang muli ng manananggol ng nasasakdal ang naging kasagutan niya ay ang nasasakdal ang siyang humawi ng kanyang mga hita. Walang saliwa sa mga pahayag na ito. Malinaw na dahil sa tindi ng takot ni Rosalia, ibinuka niya ang kanyang mga hita at hinayaang mahawi ng nasasakdal ang kanyang mga hita.

Ikalawa, sinabi raw ng naghahabla na binunot ng nahahabla ang kanyang ari pagkatapos siyang gamitin nito at ipinasok lamang ito nang muli siyang inabuso. Noong siya ay tanungin ng manananggol ng nasasakdal ukol sa bagay na ito, ng sabi niya ay nagpahinga ang nahahabla na ang kanyang ari ay nakababad sa loob ng kanyang ari.

Dapat alalahanin na ang naghahabla ay isang dalaga na noon lamang nakaranas ng bagay na ito. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang ari at bukod pa rito ay ang malaking takot na sumagila sa kanya. Hindi maaasahan na malaman pa niya kung binunot nga o hindi ng nasasakdal ang kanyang ari. Maaaring sinabi niyang nakababad pa rin ang ari ng inuusig sa kanya kung pagkatapos ng paggalaw nito ang nasasakdal ay hindi umalis sa pagkakadagan sa kanya habang ito ay sandaling nagpahinga.
Ikatlo, di-umano, tiwali ang pahayag ng naghahabla na noong ika-19 ng Marso nang tinangkang halayin siyang muli ng nasasakdal ay pinalo niya ito ng kahoy sa ulo, at sinabi rin niya na kung ang nahahabla ay lalapit, siya ay lalabas at hihingi ng saklolo. Walang lisya dito. Maliwanag na sinabi ng nagsasakdal na pinalo niya sa ulo ang nasasakdal kaya nabitawan siya nito. At malinaw rin na ang nagsasakdal ay lumabas at sinabing hihiyaw siya kapag nagpatuloy sa masamang tangka ang nasasakdal.

Ganoon pa man, kung mayroon mang hindi pagkakatugma ang pahayag ng naghahabla, ito ay sa mga maliliit na bahagi lamang at ito ay hindi sapat na dahilan upang hindi paniwalaan ng hukuman ang kabuuan ng kanyang ipinahayag. Ang totoo nito, dahil sa napakasaklap na naranasan ng nagsasakdal hindi maaasahan na matatandaan pa niya ang pinakamaliliit na bahagi ng pangyayari. Ang isang saksi na ang pahayag ay mayroong kaunting pagkakamali ang karaniwang nagsasabi ng katotohanan.

Sa kabilang dako, hindi kapani-paniwala ang pahayag ng nasasakdal na hindi niya pinilit ang nagsasakdal noong ika-10 ng Pebrero. Kusang-loob daw ang kanilang pagtatalik at may isang taon nang may pagkakaugnayan sila bago pa man dumating ang nasabing araw.

Ito ay napasinungalingan ng kinalabasan ng pagsusuri ng manggagamot ng NBI sa ari ni Rosalia, gaya ng sumusunod:

"labia majora and minora coaptated Fourchette tense vestibular moncoss vilacious. Hymen fleshy, presence of superficial laceration at 9 o'clock position according to face of a watch. Edges fairly coaptable and congested. Hymenal orifice originally angular and admits glass tube three cms. diameter with moderate resistance."

Ito ang karaniwang kalagayan ng ari ng babaeng donselya matapos ang kanyang unang karanasan. Samakatuwid, walang katotohanan ang salaysay ng nahahabla na may isang taon na silang nagtatabi ng nagsasakdal bago pa noong ika-10 ng Pebrero.

Sinabi rin ng nasasakdal na ang nagsasakdal ang tumukso sa kanya kaya sila nagkaroon ng kaugnayan. Pinangalawahan ito ng kaniyang asawa na si Salvacion Sarno na nagpahayag na ang nagsasakdal ang hayagang umakit sa kanyang asawa at sa harap niya ay ikinaskas pa ang suso nito sa asawa niya. Nang sinaway niya ito, ang sagot di-umano sa kanya ay "wala kang pakialam sapagkat ako ay puta!"
Hindi kapanipaniwala! Walang anumang katibayan na iniharap ang nasasakdal na ang nagsasakdal ay malandi at malaswang babae. Kahit na ang isang masamang babae ay hindi ipagsisiksikan ang kanyang katawan sa isang lalaki laluna't kung nakaharap ang asawa nito. At lalo nang mahirap paniwalaan kung magkumare sila. At kung totoo man na ginawa ito ng nagsasakdal sa harapan ng asawa ng nasasakdal, bakit hindi man lamang nagalit ito?

Na ang nasasakdal ay naglulubid lamang ng buhangin ay napansin din ng mababang hukuman samantalang siya ay nagpapahayag dito. Nang sinasabi niyang sila ng nagsasakdal ay mayroong kaugnayan, napansin ng hukom na matagal at atubili siya sa pagsagot sa mga tanong. Nang usisain ng hukom kung bakit hindi siya agad makapagsalita ang sagot niya ay siya ay natatakot, subalit hindi niya masabi kung ano ang kaniyang kinatatakutan. 3 Maliwanag na ang kinatatakutan niya ay ang malaking kasinungalingan na hinahabi niya upang makaligtas siya sa kaniyang mabigat na sala.

Ipinagdidiinan ng nasasakdal na ang sumbong laban sa kanya ay pagbabangong-puri lamang ng nagsasakdal sa dahilang ito ay nagdadalang-tao. Bakit kinakailangan pang ipaghayagan ang kapalaran ng nagsasakdal sa hukuman kung hindi ito ang katotohanan? Kung sila man ay nagkaroon ng pinagdaanan hindi kaya higit na mamarapatin pa ng nagsasakdal ang tiisin na lamang ang kanyang sinapit na kalagayan sa halip na magdala ng malaking kahihiyan sa kanyang angkan? Ang nakikitang dahilan ng Hukuman ay sapagkat nais ng nagsasakdal na maibangon ang kanyang nilugsong puri at maipataw ang kaukulang parusa sa nasasakdal.

Ipinagtatalo ng nahahabla kung bakit hindi agad nagsumbong ang naghahabla sa kanyang mga magulang; na hindi agad siya nagpasuri sa manggagamot; na hindi siya humingi ng saklolo nang siya ay ginagahasa; na walang anumang sugat o gasgas sa kaniyang katawan; na hindi napunit ang kanyang panti o damit; at bakit inireklamo sa ina ang tangka noong ika-19 ng Marso subalit hindi naman inireklamo ang pagkagahasa noong ika-10 ng Pebrero.

Ang sagot ay simple lamang. Malaki ang naging takot ng naghahabla. Tiniis niya ang mapait na karanasan at ito ang dahilan kaya hindi siya agad nagsumbong sa kaniyang mga magulang, hindi siya kaagad nagpunta sa manggagamot, at hindi siya nakasigaw ng saklolo. Dahil sa kanyang takot, nahubaran siya ng malaya at napagsamantalahan ng nasasakdal. Kaya wala siyang gasgas sa katawan. Wala siyang napunit na damit o panti. Subalit matapos ang higit sa isang buwang pagtitiis, at dahil sa muling pagtatangka sa kanyang puri, nagputok na ang kalooban ng nagsasakdal. Labis na ito. Sobra na. Dapat ng kalusin. Dinampot niya ang isang putol ng kahoy at ipinukpok sa ulo ang nasasakdal. At nang tangkaing ituloy ang masamang hangarin, sinabi ng nagsasakdal na lalabas siya at hihiyaw ng saklolo. Ang kanyang matinding galit ay nangibabaw sa kanyang takot. Saka lamang natigil ang maitim na hangarin ng nasasakdal.

Sapat na ito. Ang salang ginawa ng nahahabla ay malinaw. Hinalay niya ang karangalan ng isang dalaga na naiwang nag-iisa sa kanilang bahay. Naturingan pa namang kamag-anak ang nahahabla ng nag-uusig at pinakamalapit na kapitbahay na dapat asahan na magmamalasakit ngunit siya pa ang nagsamantala dito. Dapat siyang managot sa kanyang nakaririmarim na ginawa. Ang puri ng isang dilag ay kanyang buhay. Wasto ang parusa na mabilanggo ng panghabang-buhay ang nasasakdal. LLphil
Subalit mayroong pagkakamali ang mababang hukuman ng ipag-utos nito na kilalanin ng nahahabla bilang anak ang bunga ng kanyang kasalanan. Ang nahahabla ay may-asawa. Hindi maaari na kilalanin ang batang bunga ng kasalanan na anak ng isang may-asawa. 4 Subalit may katungkulan siyang sustentuhan ang bata ayon sa batas. 5 Bukod pa dito dapat pagbayarin ang nahahabla ang malaking pinsala na ginawa niya kay Rosalia Barranco ng halagang P30,000.00. 6
DAHIL DITO, ang paghahabol ni Bartolome Barranco ay pinawawalang bisa at ang hatol ng mababang hukuman ay pinagtitibay ng walang anumang pagbabago maliban na siya ay inuutusan na sustentohan ang naging bunga ng kanyang kasalanan sa halaga at panahon na papasiyahan ng mababang hukuman sa pagbasa ng hatol na ito at babayaran niya ang nagsasakdal ng P30,000.00.
IPINAG-UUTOS.
Narvasa, Cruz, Griño-Aquino at Medialdea, JJ., sumasang-ayon.
Footnotes
  1. Article 336, Revised Penal Code.
  2. Section 19(1), Article III, 1987 Constitution of the Philippines.
  3. TSN, February 16, 1981, pages 33-34.
  4. People vs. Luchico, 49 Phil. 689 (1926).
  5. Article 291, Civil Code as amended by Article 195, Family Code; Article 345, Revised Penal Code; People v. Manaba, 58 Phil. 665 (1933).
  6. People vs. Resano, 132 SCRA 711 (1984).
 

Complaint


I think God told me that if my complaints were legitimate, He would listen to them.

"But," I think he went on, "you cannot feign ignorance of my power."

He said, sure, I don't understand it as I can never do, but that I know He has it, that I cannot deny.

He said I cannot deny as well that I know He has a plan, that He is with me, that He counts my hair everyday.

Things of the sort.

So I cannot even begin to ask, why do I have to walk through life with pain.

Loneliness,

confusion,

constant muscle ache--- from my back to my thighs to my thumb.

I cannot even begin to complain about anything because, as He said, if it were legitimate, He'd listen to it.

But He won't listen to me, because my complaints are illegitimate.

My complaints have already been adressed, reconsidered, and resolved with finality.

I have already made the complaints and I have already been answered.

I already know and I already understand.

To complain now, again, is just pushing my proverbial luck.

Because He already said, and I already heard and understood, that I have nothing to worry about.

That I am taken care of.

That I am not alone even in my darkest hours.

That I have nothing to fear.

That I have everything I need.

That He is my shepherd and I shall not want.

That His Grace is enough for me.
 

Corinthians 12:7-10


To keep me from becoming conceited because of these surpassingly great revelations, there was given me a thorn in my flesh, a messenger of Satan, to torment me. Three times I pleaded with the Lord to take it away from me. But he said to me, "My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness." Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ's power may rest on me. That is why, for Christ's sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong. 

Sufficient


Don't let yourself be a victim of your own imaginings
Again
You have always known that as a human being
your capabilities are species of both good and bad
At the end of the day, it is what you live with that matters
If you beat yourself up for th evil that passes through you
You will be intolerant of people who do not

But what of love
what of kindness
what of real friendships
over which you do not bother to congratulate yourself
And in the few times that you, you think that's wrong too

My Grace is Enough for You.
It is enough. 

today


makes up for yesterday.
thank you.

:)

o siya


sige na, fine.
ok na lang to be pushed away.
it's not as if i wont survive it.

hahahaha!

i've lived through it before.

di ba ralph?
:)


[no one's pushing me away naman. just that i live my life in fear of it so if i say it's ok, im not afraid of it anymore, maybe i can start to live. :) ]

Profile

[info]janina0610
janina0610

Latest Month

October 2009
S M T W T F S
    123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com
Designed by Akiko Kurono